Linggo, Hunyo 26, 2011

Nakaligo ka na ba sa dagat ng BASURA?

Ako? hindi pa. at hindi ko pinangarap. pero why not coconut diba mga tol? hindi naman masamang i-try. nakaligo na ko sa Shower, pati na din sa Bath tub, pati na din sa swimming pool, dagat, ilog, sapa, lake, lake na nilalanguyan ng Kalabaw at canal pero hindi ko pa naranasan maligo sa dagat ng basura. pero ang totoo naman talaga walang Tao ang may gustong maligo sa dagat ng basura. at sinong may gusto? ihuhulog ko sa dagat ng basura! haha, dahil lang naman sa wala silang bahay. wala silang maliguan, wala silang palikuran at wala silang tamang buhay kaya sila nakakaligo sa dagat ng basura.

alam nyo kung sino ang dapat maligo sa dagat ng basura? eh di ang mga pulitikong puro pangako na iaahon nila ang Pilipinas na simula pa noon ay ipinangako na ng ating mga nakaraan na presidente na wala namang nangyari.nakakalungkot isipin na may mga batang gutom, batang may sakit at batang walang short at kita ang kanilang umu-ugoy-ugoy na spoiler. ooppss. pero wala naman tayong magawa? gusto man nating tumulong di naten alam kung saan magsisimula?saan mag-uumpisa at saan tatapusin. dahil hindi man natin aminin ay hindi ito natitigil. haay. kung may 3 wishes lang ako mula sa GENIE. pero isa din yong mapang-asa. dahil wala naman talagang pag-asa. naalala ko tuloy ang sabi ng Aktor na si Ginoong Leo Martinez:

“Ang Problema ng Pilipinas ay hindi Kapitalismo, hindi Militarismo, hindi Kumunismo kundi TAYO MISMO!”

oo mahirap tanggapin pero totoo. kaya PINOY! habang may pagkakataon magbago ka.

SHARE YOUR BLESSINGS!

WAG MAG-SINUNGALING(pwede naman once a week lang).

ISAULI MO YUNG NINAKAW MONG KENDI SA TINDAHAN NI ALING MAMENG.

WAG MAGBIBINTANG lalo na at walang mapagbintangan.

MAHALIN ANG KAPWA (TAO, hindi kapwa manloloko).

at higit sa lahat..

WAG MAGNANAKAW.MAGNANAKAW.MAGNANAKAW!(echo)

hindi na ko umaasa,. pero hindi din naman ako nawawalan ng Pag-asa. :)

Sabado, Hunyo 25, 2011

Bata-bata!? paano ka ginawa? Saan? Kailan? Paano? at Bakit?

ang mga tao daw ay ay nagmula sa cell, tapos naging tissue tapos naging organ tapos naging human. pero bakit kaya parang nakakabilib isipin yung organisadong paglikha ng tao. hindi ito magic at hindi din gawa ito ng teknolohiya. pero nakakabilib pa din ang mga pangyayaring ito sa buhay buhay naten. jan ako bilib kay GOD. siya ang pinakadakilang tao sa lahat. biruin mo ang mga Baker nakakagawa ng cake. ang mga scientist nakakagawa ng imbensyon, ang mga mandurugas nakakagawa ng pagsisinungaling. pero hinding-hindi mo ito matatapat kay GOD. siya ang gumagawa ng TAO! oo! hindi nga siya ang kumakatawan. ngunit ginagamit niya tayong mga tao na kanyang nilikha upang maipagpatuloy ang kanyang nasimulan. haay. ang saya ng buhay. ang daming matutuklasan. sayang. at ito’s ating HIRAM nga lang. :))

Mainit at Mainet.

Bakit ba kasi habang tumatagal tayong nabubuhay ay painit ng painit? dahil daw ito sa Climate Change! eh ano naman yun? ayon nga. at nagresearch ako. ayon sa Wikipedia. (yeah! my favorite site for my researchs):

Climate change is a change in the statistical distribution of weather over periods of time that range from decades to millions of years. It can be a change in the average weather or a change in the distribution of weather events around an average (for example, greater or fewer extreme weather events). Climate change may be limited to a specific region, or may occur across the whole Earth.

In recent usage, especially in the context of environmental policy, climate change usually refers to changes in modern climate. It may be qualified as anthropogenic climate change, more generally known as “global warming” or “anthropogenic global warming” (AGW).

aahh, grabe pala. dahil sa Global Warming ay lalong umiinit ang earth. haay, at ang Global Warming ay sanhi ng walang iba kundi ang mga TAO! oo! tayong mga tao. :( nakakalungkot isipin na unti-unti nating pinapatay ang Earth. dahil sa mga usok na nililikha ng mga gamit naten ay nahaharang ng Carbon Dioxide ang Ozone Layer. at Unti-unting naiipon ang mga init ng araw sa ating earth. haay, sabi nga sa napanuod ko sa TV5 ang Lupet na favorite ko na ngayon ay kung hindi daw tayo tumigil sa pagsira ng earth ay magiging tusta na tayo. at pag naglaon ay tayo din ay mamatay. at wala nang buhay ang makakaligtas. sabi ng Teacher ko mahirap na talaga pigilan ang pagkasira ng earth. kasi talaga namang hindi parin tumitigil ang mga tao sa mga imbensyon nitong nakakasira sa earth. pano na ang mga nasa tropical areang mga Country? tayo ang kawawa dito. aba? buti pa ang nasa Northpole at kahit matunaw man ang mga yelo ay nalalamigan pa rin sila? eh pano tayo? na konting Inet lang ng Panahon ay nag-susumigaw na sa inis. haay, buhay nga naman. pero sana simulan na naten ang pagbabago. siguro sulusyunan naten sa paglalagay ng sunblock sa mga Clouds para pag umulan may SPF na tayo, protected na puputi ka pa. (UY! MABENTA TO SA MGA NEGRA.)yeah! :)

mabuhay ang KATIPUNAN!

*ting!* {PAPARATING NA SA KATIPUNAN STATION.}

o siya alis na ko. bye!