Ako? hindi pa. at hindi ko pinangarap. pero why not coconut diba mga tol? hindi naman masamang i-try. nakaligo na ko sa Shower, pati na din sa Bath tub, pati na din sa swimming pool, dagat, ilog, sapa, lake, lake na nilalanguyan ng Kalabaw at canal pero hindi ko pa naranasan maligo sa dagat ng basura. pero ang totoo naman talaga walang Tao ang may gustong maligo sa dagat ng basura. at sinong may gusto? ihuhulog ko sa dagat ng basura! haha, dahil lang naman sa wala silang bahay. wala silang maliguan, wala silang palikuran at wala silang tamang buhay kaya sila nakakaligo sa dagat ng basura.
alam nyo kung sino ang dapat maligo sa dagat ng basura? eh di ang mga pulitikong puro pangako na iaahon nila ang Pilipinas na simula pa noon ay ipinangako na ng ating mga nakaraan na presidente na wala namang nangyari.nakakalungkot isipin na may mga batang gutom, batang may sakit at batang walang short at kita ang kanilang umu-ugoy-ugoy na spoiler. ooppss. pero wala naman tayong magawa? gusto man nating tumulong di naten alam kung saan magsisimula?saan mag-uumpisa at saan tatapusin. dahil hindi man natin aminin ay hindi ito natitigil. haay. kung may 3 wishes lang ako mula sa GENIE. pero isa din yong mapang-asa. dahil wala naman talagang pag-asa. naalala ko tuloy ang sabi ng Aktor na si Ginoong Leo Martinez:
“Ang Problema ng Pilipinas ay hindi Kapitalismo, hindi Militarismo, hindi Kumunismo kundi TAYO MISMO!”
oo mahirap tanggapin pero totoo. kaya PINOY! habang may pagkakataon magbago ka.
SHARE YOUR BLESSINGS!
WAG MAG-SINUNGALING(pwede naman once a week lang).
ISAULI MO YUNG NINAKAW MONG KENDI SA TINDAHAN NI ALING MAMENG.
WAG MAGBIBINTANG lalo na at walang mapagbintangan.
MAHALIN ANG KAPWA (TAO, hindi kapwa manloloko).
at higit sa lahat..
WAG MAGNANAKAW.MAGNANAKAW.MAGNANAKAW!(echo)
hindi na ko umaasa,. pero hindi din naman ako nawawalan ng Pag-asa. :)

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento